Monday, October 1, 2007

Letter from Itang and Inang

Dear Anak,

Naipadala ko na ang 50 thousand pesos na pang-tuition fee mo. Pinagbili na namin lahat ng mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE. Wala na din pala tayong baboy, naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N90. Ang mahal naman ng project na iyun. Kasama din ang 7 thousand para dun sa field trip nyo sa MALL OF ASIA. Anak malayo ba yun? Pinakamalaking planta ba kamo yan sa Asya? Mag-iingat ka sa pagbibiyahe mo, magdala ka, anak, ng panyo at baka kung anong kemikal ang masinghot mo dyan. Sa susunod na buwan ay isasanla pala namin ng iyong itang ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo.

Kaysa patamnan ko pa kay Tio Felimon na hindi naman nagbabayad ng buwis, mabuti ng sa magandang kinabukasan mo mauwi ang ari-arian natin. Anak komportable ka ba diyan sa boarding house mo? Saan ba kamo yan? Sa VICTORIA COURT APARTMENT? Tahimik at malinis ba dyan? Hindi ba mainit dyan? Tama rin naman ang napili mong lugar, tahimik ng sa gayun ay makapag-aral ka ng mabuti.

Anak, kamusta na pala yung group project ninyo na SANMIG LIGHT? Napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun? Anak, sana bago pa maubos ang lahat-lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt ka na. Walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL? Sana pag gradweyt mo, anak, ay makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ba ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari-arian natin sa sanglaan. Ay, siya nga pala anak, di ba sabi mo sa JOLLIBEE/MAC DONALD ka palagi kumakain? Ok ba naman sayo ang mga ulam dyan? Baka hindi masarap kawawa ka naman. Palagi kang oorder ng mainit na sabaw, mainam sa katawan yon. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat siya sa pag dri-drive.

Anak, hanggang dito na laang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.


Ang nagmamahal,

Itang at Inang

No comments: